Surah Al-Qaṣaṣ (Ang mga Salaysay — القصص) (Talata 55)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Kapag nakarinig sila ng kabalbalan ay umaayaw sila rito at nagsasabi sila: “Ukol sa amin ang mga gawa namin at ukol sa inyo ang mga gawa ninyo. Kapayapaan sa inyo. Hindi kami naghahangad [ng paraan] ng mga mangmang.” (55)
Tafsīr
Kapag nakarinig ang mga mananampalatayang ito kabilang sa mga may kasulatan ng kabulaanan sa pananalita ay umaayaw sila roon habang hindi tumutuon doon. Nagsasabi sila habang mga kumakausap sa mga tagapagsabi niyon: "Ukol sa amin ang ganti sa mga gawa namin at ukol sa inyo ang ganti sa mga gawa ninyo. Naligtas kayo mula sa amin mula sa pang-aalipusta at pananakit. Hindi kami naghahangad ng pakikisama sa mga alagad ng kamangmangan dahil sa dulot nito na pamiminsala at pananakit sa Relihiyon at [buhay sa] Mundo."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: