Surah Al-Qaṣaṣ (Ang mga Salaysay — القصص) (Talata 57)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Nagsabi sila: “Kung susunod kami sa patnubay kasama sa iyo ay pagtatangayin kami [ng mga kaaway] mula sa lupain namin.” Hindi ba nagbigay-kapangyarihan Kami para sa kanila sa isang pinagbanalang tiwasay na hinahakot doon ang mga bunga ng bawat bagay bilang panustos mula sa nasa Amin? Subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam. (57)
Tafsīr
Nagsabi ang mga tagapagtambal kabilang sa mga naninirahan sa Makkah, habang mga nagdadahi-dahilan sa pagtanggi sa pagsunod sa Islām at pagsampalataya rito: "Kung susunod kami sa Islām na ito na inihatid mo, hahablutin kami ng mga kaaway namin mula sa lupain namin nang may kabilisan." Hindi ba nagbigay-kapangyarihan Kami para sa mga tagapagtambal na ito sa isang kanlungang ipinagbabawal doon ang pagpapadanak ng mga dugo at ang kawalang-katarungan, habang natitiwasay sila roon laban sa pagsalakay ng iba laban sa kanila, habang hinahatak tungo roon ang mga bunga ng bawat bagay bilang panustos mula sa nasa Amin, na inakay Namin patungo sa kanila? Subalit ang karamihan sa kanila ay hindi nakaaalam sa ibiniyaya ni Allāh sa kanila para magpasalamat sila sa Kanya dahil doon.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: