Surah Al-Qaṣaṣ (Ang mga Salaysay — القصص) (Talata 7)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Nagkasi Kami sa ina ni Moises, na [nagsasabi]: “Magpasuso ka sa kanya; ngunit kapag nangamba ka para sa kanya ay itapon mo siya sa ilog at huwag kang mangamba at huwag kang malungkot. Tunay na Kami ay magsasauli sa kanya sa iyo at gagawa sa kanya kabilang sa mga isinugo.” (7)
Tafsīr
Nagpahiwatig Kami sa ina ni Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – na [nagsasabi]: "Magpasuso ka sa kanya. Hanggang sa kapag natakot ka para sa kanya kay Paraon at sa mga tao niya na patayin nila siya ay ilagay mo siya sa isang kahon at itapon mo siya sa ilog ng Nilo. Huwag kang mangamba para sa kanya ng pagkalunod ni kay Paraon at huwag kang malungkot dahilan sa pagkakawalay sa kanya. Tunay na Kami ay magbabalik sa kanya sa iyo nang buhay at gagawa sa kanya kabilang sa mga sugo Namin na ipadadala sa mga nilikha."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: