Surah Al-Qaṣaṣ (Ang mga Salaysay — القصص) (Talata 84)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




28 Al-Qaṣaṣ(القصص), Talata 84

مَنْ جَاءَ بِالْحَسَنَةِ فَلَهُ خَيْرٌ مِنْهَا ۖ وَمَنْ جَاءَ بِالسَّيِّئَةِ فَلَا يُجْزَى الَّذِينَ عَمِلُوا السَّيِّئَاتِ إِلَّا مَا كَانُوا يَعْمَلُونَ 84 ٨٤

Ang sinumang naghatid ng magandang gawa, ukol sa kanya ay higit na mabuti kaysa roon. Ang sinumang naghatid ng masagwang gawa, walang igaganti sa mga gumawa ng mga masagwang gawa kundi ang dati nilang ginagawa. (84)

Tafsīr
Ang sinumang naghatid ng magandang gawa sa Araw ng Pagbangon gaya ng pagdarasal, zakāh, pag-aayuno, at iba pa, ukol sa kanya ay ganting higit na mabuti kaysa magandang gawang iyon yayamang pag-iibayuhin para sa kanya ang magandang gawa ng sampung tulad nito. Ang sinumang naghatid ng masagwang gawa sa Araw ng Pagbangon gaya ng kawalang-pananampalataya, pakikinabang sa patubo, pangangalunya, at iba pa roon, walang igaganti sa mga gumawa ng mga masagwang gawa kundi ang tulad sa ginawa nila, nang walang karagdagan.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba