Surah Al-Qaṣaṣ (Ang mga Salaysay — القصص) (Talata 85)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




28 Al-Qaṣaṣ(القصص), Talata 85

إِنَّ الَّذِي فَرَضَ عَلَيْكَ الْقُرْآنَ لَرَادُّكَ إِلَىٰ مَعَادٍ ۚ قُلْ رَبِّي أَعْلَمُ مَنْ جَاءَ بِالْهُدَىٰ وَمَنْ هُوَ فِي ضَلَالٍ مُبِينٍ 85 ٨٥

Tunay na ang nagsatungkulin sa iyo ng Qur’ān ay talagang ang tagapagpabalik sa iyo tungo sa pinanunumbalikan. Sabihin mo: “Ang Panginoon ko ay higit na maalam sa sinumang naghatid ng patnubay at sinumang nasa isang pagkaligaw na malinaw.” (85)

Tafsīr
Tunay na ang nagpababa sa iyo ng Qur’ān at nagsatungkulin sa iyo ng pagpapaabot nito at paggawa ayon sa nasa loob nito ay talagang ang magpapabalik sa iyo sa Makkah bilang tagasakop.Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal: "Ang Panginoon ko ay higit na maalam sa sinumang naghatid ng patnubay at sinumang nasa isang pagkaligaw na maliwanag palayo sa patnubay at katotohanan."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba