Surah Al-Qaṣaṣ (Ang mga Salaysay — القصص) (Talata 87)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Huwag nga silang sasagabal sa iyo sa mga talata ni Allāh matapos noong pinababa ang mga ito sa iyo. Mag-anyaya ka tungo sa Panginoon mo at huwag ka ngang maging kabilang sa mga tagapagtambal. (87)
Tafsīr
Huwag ngang magpapalihis sa iyo ang mga tagapagtambal na ito palayo sa mga talata ni Allāh – matapos ng pagpapababa sa mga ito sa iyo – para iwan mo ang pagbigkas ng mga ito at ang pagpaparating ng mga ito. Mag-anyaya ka sa mga tao tungo sa pananampalataya kay Allāh, paniniwala sa kaisahan Niya, at paggawa ayon sa Batas Niya. Huwag ka ngang maging kabilang sa mga tagapagtambal na sumasamba kasama kay Allāh sa iba sa Kanya, bagkus maging kabilang ka sa mga naniniwala sa kaisahan Niya, na mga walang sinasamba kundi si Allāh lamang.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: