Surah Al-Qaṣaṣ (Ang mga Salaysay — القصص) (Talata 8)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




28 Al-Qaṣaṣ(القصص), Talata 8

فَالْتَقَطَهُ آلُ فِرْعَوْنَ لِيَكُونَ لَهُمْ عَدُوًّا وَحَزَنًا ۗ إِنَّ فِرْعَوْنَ وَهَامَانَ وَجُنُودَهُمَا كَانُوا خَاطِئِينَ 8 ٨

Kaya napulot siya [sa ilog] ng mag-anak ni Paraon upang siya para sa kanila ay maging isang kaaway at isang kalungkutan. Tunay na si Paraon, si Hāmān, at ang mga kawal nilang dalawa ay mga nagkakamali noon. (8)

Tafsīr
Kaya sumunod ang ina ni Moises sa ipinahiwatig Namin dito na paglalagay sa kanya sa isang kahon at pagtatapon sa kanya sa ilog. Kaya naman nasumpungan siya ng mag-anak ni Paraon at kinuha nila siya upang magkatotoo ang ninais ni Allāh na si Moises ay magiging isang kaaway para kay Paraon, na aalisin ni Allāh ang paghahari nito sa kamay nito, habang nagdudulot si Moises ng kalungkutan nila. Tunay na si Paraon, ang katuwang nitong si Hāmān, at ang mga katulong nilang dalawa ay mga nagkakasala noon dahilan sa kawalang-pananampalataya nila, pagmamalabis nila, at panggugulo nila sa lupa.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba