Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Mayroon sa mga tao na nagsasabi: “Sumampalataya kami kay Allāh,” ngunit kapag sinaktan dahil kay Allāh ay nagtuturing sa pagsubok ng mga tao na gaya ng pagdurusang dulot ni Allāh. Talagang kung may dumating na isang pag-aadya mula sa Panginoon mo ay talagang magsasabi nga sila: “Tunay na kami ay kasama sa inyo.” Hindi ba si Allāh ay higit na maalam sa anumang nasa mga dibdib ng mga nilalang? (10)
Tafsīr
Mayroon sa mga tao na nagsasabi: "Sumampalataya kami kay Allāh," ngunit kapag sinaktan sila ng mga tagatangging sumampalataya dahil sa pananampalataya nila ay nagtuturing sa pagdurusang dulot ng mga iyon sa kanila na gaya ng pagdurusang dulot ni Allāh kaya naman tumatalikod sila sa pananampalataya bilang pagsang-ayon sa mga tagatangging sumampalataya. Talagang kung may nangyaring isang pag-aadya mula sa Panginoon mo para sa iyo, O Sugo, ay talagang magsasabi nga sila: "Tunay na kami noon ay kasama sa inyo, O mga mananampalataya, sa pananampalataya." Hindi ba si Allāh ay higit na nakaaalam sa anumang nasa mga dibdib ng mga tao? Hindi nakakukubli sa Kanya ang anumang nasa mga ito na kawalang-pananampalataya at pananampalataya. Kaya papaano silang nagbabalita kay Allāh ng nasa mga puso nila samantalang Siya ay higit na maalam sa anumang nasa mga ito kaysa sa kanila?
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: