Surah Al-‘Ankabūt (Ang Gagamba — العنكبوت) (Talata 12)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




29 Al-‘Ankabūt(العنكبوت), Talata 12

وَقَالَ الَّذِينَ كَفَرُوا لِلَّذِينَ آمَنُوا اتَّبِعُوا سَبِيلَنَا وَلْنَحْمِلْ خَطَايَاكُمْ وَمَا هُمْ بِحَامِلِينَ مِنْ خَطَايَاهُمْ مِنْ شَيْءٍ ۖ إِنَّهُمْ لَكَاذِبُونَ 12 ١٢

Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya sa mga sumampalataya [kay Allāh lamang]: “Sundin ninyo ang landasin namin at pasanin namin ang [kahihinatnan ng] mga kamalian ninyo.” Hindi sila mga magpapasan mula sa mga kamalian ng mga iyon ng anuman. Tunay na sila ay talagang mga sinungaling. (12)

Tafsīr
Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya sa mga sumampalataya kay Allāh lamang: "Sundin ninyo ang relihiyon namin at ang anumang kami ay naroon at pasanin namin mismo ang mga pagkakasala ninyo para gantihan kami dahil sa mga ito sa halip na kayo." Hindi sila mga magpapasan ng anuman mula sa mga pagkakasala ng mga iyon. Tunay na sila ay talagang mga sinungaling sa sabi nilang ito.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba