Surah Al-‘Ankabūt (Ang Gagamba — العنكبوت) (Talata 13)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




29 Al-‘Ankabūt(العنكبوت), Talata 13

وَلَيَحْمِلُنَّ أَثْقَالَهُمْ وَأَثْقَالًا مَعَ أَثْقَالِهِمْ ۖ وَلَيُسْأَلُنَّ يَوْمَ الْقِيَامَةِ عَمَّا كَانُوا يَفْتَرُونَ 13 ١٣

Talagang magpapasan nga sila ng mga pabigat nila at mga pabigat [ng iba] kasama sa mga pabigat nila. Talagang tatanungin nga sila sa Araw ng Pagbangon tungkol sa anumang dati nilang ginagawa-gawa. (13)

Tafsīr
Talagang magpapasan nga itong mga tagatangging sumampalataya, na mga tagapag-anyaya sa kabulaanan nila, ng mga pagkakasala nila na ginawa nila. Talagang magpapasan nga sila ng mga pagkakasala ng sinumang sumunod sa paanyaya nila nang walang naibabawas na anuman mula sa mga pagkakasala ng mga tagasunod nila. Talagang tatanungin nga sila sa Araw ng Pagbangon tungkol sa anumang dati nilang nililikha-likha sa Mundo na mga kabulaanan.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba