Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Nagsabi siya: “Tunay na nariyan si Lot.” Nagsabi sila: “Kami ay higit na maalam sa sinumang nariyan. Talagang magliligtas nga Kami sa kanya at sa mag-anak niya maliban sa maybahay niya; ito ay magiging kabilang sa mga magpapaiwan [para masawi].” (32)
Tafsīr
Nagsabi si Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa mga anghel: "Tunay na si Lot ay nasa pamayanang iyan na ninanais ninyong pasawiin ang mga naninirahan. Siya ay hindi kabilang sa mga tagalabag sa katarungan." Nagsabi ang mga anghel: "Kami ay higit na maalam sa sinumang nariyan. Talagang sasagip nga kami sa kanya at sa mag-anak niya – mula sa kapahamakang ipabababa sa mga naninirahan sa pamayanan – maliban sa maybahay niya; ito noon ay kabilang sa mga maiiwang mapapahamak sapagkat magpapahamak kami rito kasama sa kanila."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: