Surah Al-‘Ankabūt (Ang Gagamba — العنكبوت) (Talata 40)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




29 Al-‘Ankabūt(العنكبوت), Talata 40

فَكُلًّا أَخَذْنَا بِذَنْبِهِ ۖ فَمِنْهُمْ مَنْ أَرْسَلْنَا عَلَيْهِ حَاصِبًا وَمِنْهُمْ مَنْ أَخَذَتْهُ الصَّيْحَةُ وَمِنْهُمْ مَنْ خَسَفْنَا بِهِ الْأَرْضَ وَمِنْهُمْ مَنْ أَغْرَقْنَا ۚ وَمَا كَانَ اللَّهُ لِيَظْلِمَهُمْ وَلَٰكِنْ كَانُوا أَنْفُسَهُمْ يَظْلِمُونَ 40 ٤٠

Kaya sa bawat isa ay dumaklot Kami dahil sa pagkakasala nito sapagkat kabilang sa kanila ay pinadalhan Namin ng isang unos ng mga bato, kabilang sa kanila ay kinuha ng hiyaw, kabilang sa kanila ay ipinalamon Namin sa lupa, at kabilang sa kanila ay nilunod Namin. Hindi si Allāh naging ukol na lumabag sa katarungan sa kanila subalit sila noon sa mga sarili nila ay lumalabag sa katarungan. (40)

Tafsīr
Kaya dumaklot Kami sa bawat isa sa mga nabanggit kanina sa pamamagitan ng tagapagpahamak na pagdurusang dulot Namin. Kabilang sa kanila ay ang mga kababayan ni Lot na pinadalhan Namin ng mga batong yari sa natuyong luwad na nagkapatung-patong. Kabilang sa kanila ay ang mga kalipi ni Ṣāliḥ at ang mga kalipi ni Shu`ayb na dinaklot ng hiyaw. Kabilang sa kanila ay si Qārūn na ipinalamon Namin siya at ang tahanan niya sa lupa. Kabilang sa kanila ay ang mga tao nina Noe, Paraon, at Hāmān na ipinahamak Namin sa pamamagitan ng pagkalunod. Hindi si Allāh naging ukol na lumabag sa katarungan sa kanila sa pamamagitan ng pagpapahamak sa kanila nang walang pagkakasala, subalit sila noon ay lumalabag sa katarungan sa mga sarili nila sa pamamagitan ng paggawa ng mga pagsuway kaya naman sila ay naging karapat-dapat sa pagdurusa.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba