Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Lumikha si Allāh ng mga langit at lupa ayon sa katotohanan. Tunay na sa gayon ay talagang may tanda para sa mga mananampalataya. (44)
Tafsīr
Lumikha si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ng mga langit at lumikha Siya ng lupa ayon sa katotohanan. Hindi Siya lumikha ng mga ito ayon sa kabulaanan at hindi Siya lumikha ng mga ito sa paglalaro. Tunay na sa paglikhang iyon ay talagang may katunayang maliwanag sa kakayahan ni Allāh para sa mga mananampalataya dahil sila ay ang mga nagpapatunay sa tagalikha sa pamamagitan ng paglikha ni Allāh – kaluwalhatian sa Kanya. Tungkol naman sa mga tagatangging sumampalataya, tunay na sila ay napararaan sa mga tanda sa mga abot-tanaw at mga kaluluwa nang hindi natawag ang mga pansin nila sa kadakilaan ng Tagalikha at kakayahan Niya – kaluwalhatian sa Kanya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: