Surah Al-‘Ankabūt (Ang Gagamba — العنكبوت) (Talata 46)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




29 Al-‘Ankabūt(العنكبوت), Talata 46

وَلَا تُجَادِلُوا أَهْلَ الْكِتَابِ إِلَّا بِالَّتِي هِيَ أَحْسَنُ إِلَّا الَّذِينَ ظَلَمُوا مِنْهُمْ ۖ وَقُولُوا آمَنَّا بِالَّذِي أُنْزِلَ إِلَيْنَا وَأُنْزِلَ إِلَيْكُمْ وَإِلَٰهُنَا وَإِلَٰهُكُمْ وَاحِدٌ وَنَحْنُ لَهُ مُسْلِمُونَ 46 ٤٦

Huwag kayong makipagtalo sa mga May Kasulatan malibang ayon sa pinakamaganda, maliban sa mga lumabag sa katarungan kabilang sa kanila. Sabihin ninyo: “Sumampalataya kami sa pinababa sa amin at pinababa sa inyo. Ang Diyos namin at ang Diyos ninyo ay nag-iisa. Kami sa Kanya ay mga tagapagpasakop.” (46)

Tafsīr
Huwag kayong makipagtalakayan, O mga mananampalataya, at huwag kayong makipag-alitan sa mga Hudyo at mga Kristiyano malibang ayon sa istilong pinakamaganda at pamamaraang pinakaideyal. Ito ay ang pag-aanyaya sa pamamagitan ng pangaral at mga katwirang malinaw, maliban sa mga lumabag sa katarungan kabilang sa kanila sa pamamagitan ng pagmamatigas at pakikipagmalakihan at nagpahayag ng digmaan sa inyo sapagkat makipaglaban kayo sa kanila hanggang sa magpasakop sila o magbigay sila ng jizyah nang kusang-loob habang sila ay mga nanliliit. Sabihin ninyo sa mga Hudyo at mga Kristiyano: "Sumampalataya kami sa pinababa ni Allāh sa amin na Qur'ān at sumampalataya kami sa pinababa sa inyo na Torah at Ebanghelyo. Ang Diyos namin at ang Diyos ninyo ay nag-iisa: walang katambal sa Kanya sa pagkadiyos Niya, pagkapanginoon Niya, at kalubusan Niya. Kami ay sa Kanya lamang mga nagpapaakay na nagpapakaaba."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba