Surah Al-‘Ankabūt (Ang Gagamba — العنكبوت) (Talata 58)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




29 Al-‘Ankabūt(العنكبوت), Talata 58

وَالَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ لَنُبَوِّئَنَّهُمْ مِنَ الْجَنَّةِ غُرَفًا تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ خَالِدِينَ فِيهَا ۚ نِعْمَ أَجْرُ الْعَامِلِينَ 58 ٥٨

Ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos ay talagang magpapatahan nga Kami mula sa paraiso sa mga [mataas na] silid na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili roon. Kay inam ang pabuya sa mga tagagawa, (58)

Tafsīr
Ang mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ng mga gawang maayos na nagpapalapit tungo sa Kanya ay talagang patutuluyin nga sila sa mga [mataas na] silid sa Paraiso habang dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mamamalagi roon magpakailanman. Walang sasapit sa kanila roon na isang pagkalipol. Kay inam bilang ganti sa mga tagagawa ng pagtalima kay Allāh ang ganting ito!

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba