Surah Al-‘Ankabūt (Ang Gagamba — العنكبوت) (Talata 67)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




29 Al-‘Ankabūt(العنكبوت), Talata 67

أَوَلَمْ يَرَوْا أَنَّا جَعَلْنَا حَرَمًا آمِنًا وَيُتَخَطَّفُ النَّاسُ مِنْ حَوْلِهِمْ ۚ أَفَبِالْبَاطِلِ يُؤْمِنُونَ وَبِنِعْمَةِ اللَّهِ يَكْفُرُونَ 67 ٦٧

Hindi ba sila nakakita na Kami ay gumawa ng isang pinagbanalang tiwasay samantalang dinadagit ang mga tao mula sa paligid nila? Kaya ba sa kabulaanan sumasampalataya sila at sa biyaya ni Allāh nagkakaila sila? (67)

Tafsīr
Hindi ba nakakita ang mga tagapagkailang ito sa biyaya ni Allāh sa kanila – nang nagligtas si Allāh sa kanila mula sa pagkalunod – ng iba pang biyaya? [Ang biyayang] ito ay na Kami ay gumawa para sa kanila ng isang santuwaryong natitiwasay sila roon para sa mga buhay nila at mga ari-arian nila samantalang ang ibang tao ay nilulusob ng mga pag-atake kaya napapatay ang mga iyon, nadadakip ang mga iyon, nabibihag ang mga kababaihan ng mga iyo at ang mga supling ng mga iyon, at dinadambong ang mga ari-arian ng mga iyon. Kaya ba sa kabulaanan ng mga inaakalang diyos nila sumasampalataya sila at sa biyaya ni Allāh sa kanila nagkakaila sila kaya hindi sila nagpapasalamat dito kay Allāh?

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba