Surah Al-‘Ankabūt (Ang Gagamba — العنكبوت) (Talata 6)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




29 Al-‘Ankabūt(العنكبوت), Talata 6

وَمَنْ جَاهَدَ فَإِنَّمَا يُجَاهِدُ لِنَفْسِهِ ۚ إِنَّ اللَّهَ لَغَنِيٌّ عَنِ الْعَالَمِينَ 6 ٦

Ang sinumang nakibaka ay nakibaka lamang para sa sarili niya. Tunay na si Allāh ay talagang Walang-pangangailangan sa mga nilalang. (6)

Tafsīr
Ang sinumang nakibaka sa sarili niya sa pagbunsod dito sa pagtalima at paglayo sa pagsuway at nakibaka sa landas ni Allāh ay nakibaka lamang para sa sarili niya dahil ang pakinabang doon ay bumabalik sa sarili. Si Allāh ay Walang-pangangailangan sa mga nilikha sa kabuuan ng mga ito sapagkat walang naidadagdag sa Kanya ang pagtalima nila at walang naibabawas sa Kanya ang pagsuway nila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba