Surah Al-‘Ankabūt (Ang Gagamba — العنكبوت) (Talata 7)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




29 Al-‘Ankabūt(العنكبوت), Talata 7

وَالَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ لَنُكَفِّرَنَّ عَنْهُمْ سَيِّئَاتِهِمْ وَلَنَجْزِيَنَّهُمْ أَحْسَنَ الَّذِي كَانُوا يَعْمَلُونَ 7 ٧

Ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos ay talagang magtatakip-sala nga Kami sa kanila sa mga masagwang gawa nila at talagang gaganti nga Kami sa kanila ayon sa pinakamaganda sa dati nilang ginagawa. (7)

Tafsīr
Ang mga sumampalataya, nagtiis sa pagsusulit Namin sa kanila, at gumawa ng mga gawang maayos ay talagang buburahin nga Namin ang mga pagkakasala nila dahil sa ginawa nila na mga gawang maayos at talagang gagantimpalaan nga Namin sila sa Kabilang-buhay ayon sa pinakamaganda sa dati nilang ginagawa sa Mundo.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba