Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 106)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




3 Āl ‘Imrān(آل عمران), Talata 106

يَوْمَ تَبْيَضُّ وُجُوهٌ وَتَسْوَدُّ وُجُوهٌ ۚ فَأَمَّا الَّذِينَ اسْوَدَّتْ وُجُوهُهُمْ أَكَفَرْتُمْ بَعْدَ إِيمَانِكُمْ فَذُوقُوا الْعَذَابَ بِمَا كُنْتُمْ تَكْفُرُونَ 106 ١٠٦

Sa Araw na may mamumuting mga mukha at mangingitim na mga mukha. Kaya tungkol sa mangingitim ang mga mukha nila, [tatanungin sila]: “Tumanggi ba kayong sumampalataya matapos ng pagsampalataya ninyo? Kaya lasapin ninyo ang pagdurusa dahil kayo noon ay tumatangging sumampalataya.” (106)

Tafsīr
Magaganap sa kanila ang pagdurusang sukdulan na ito sa Araw ng Pagbangon kapag mamumuti ang mga mukha ng mga alagad ng pananampalataya dahil sa tuwa at kaligayahan at mangingitim ang mga mukha ng mga tagatangging sumampalataya dahil sa lungkot at lumbay. Tungkol sa mangingitim ang mga mukha nila sa Dakilang Araw na iyon, sasabihin sa kanila bilang pagpula sa kanila: "Tumanggi ba kayong sumampalataya sa kaisahan ni Allāh at sa tipan na tinanggap Niya sa inyo na hindi kayo magtambal sa Kanya ng anuman matapos ng paniniwala ninyo at pagkilala ninyo?" Kaya lasapin ninyo ang pagdurusang dulot ni Allāh na inihanda Niya para sa inyo dahilan sa kawalang-pananampalataya ninyo.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba