Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 111)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Hindi sila makapipinsala sa inyo maliban ng isang pananakit. Kung kakalaban sila sa inyo ay maghaharap sila sa inyo ng mga likod [nila], pagkatapos hindi sila iaadya. (111)
Tafsīr
Anuman ang nangyaring pangangaway mula sa kanila ay hindi sila makapipinsala sa inyo, O mga mananampalataya, sa Relihiyon ninyo ni sa mga sarili ninyo maliban ng isang pananakit sa pamamagitan ng mga dila nila gaya ng paninirang-puri sa relihiyon, panunuya sa inyo, at tulad niyon. Kung kumalaban sila sa inyo ay tatakas sila na mga talunan sa harapan ninyo at hindi sila iaadya laban sa inyo magpakailanman.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: