Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 113)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Hindi sila magkapantay; mayroon sa mga May Kasulatan na isang kalipunang matuwid [na yumakap sa Islām]. Bumibigkas sila ng mga talata ni Allāh sa mga bahagi ng gabi habang sila ay nagpapatirapa [sa pagdarasal]. (113)
Tafsīr
Ang mga May Kasulatan ay hindi nagkakapantay sa kalagayan nila. Bagkus mayroon sa kanilang isang pangkat na nagpapakamatuwid sa relihiyon ni Allāh, nagsasagawa sa ipinag-uutos ni Allāh at sinasaway Niya, at bumibigkas ng mga talata ni Allāh sa mga oras ng gabi habang sila ay nagdarasal kay Allāh. Ang pangkating ito ay bago ng pagpapadala kay Propeta Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. Ang nakaabot kabilang sa kanila sa pagpapadalang ito ay yumakap sa Islām.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: