Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 122)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




3 Āl ‘Imrān(آل عمران), Talata 122

إِذْ هَمَّتْ طَائِفَتَانِ مِنْكُمْ أَنْ تَفْشَلَا وَاللَّهُ وَلِيُّهُمَا ۗ وَعَلَى اللَّهِ فَلْيَتَوَكَّلِ الْمُؤْمِنُونَ 122 ١٢٢

[Banggitin] noong may napipintong dalawang pangkat kabilang sa inyo na mapanghinaan ng loob samantalang si Allāh ay Katangkilik ng dalawang ito. Sa kay Allāh ay manalig ang mga mananampalataya. (122)

Tafsīr
Banggitin mo, O Propeta, ang naganap sa dalawang pangkat kabilang sa mga mananampalataya mula sa liping Salimah at liping Ḥārithah nang nanghina sila at nagbalak sila ng pagbalik nang bumalik ang mga mapagpaimbabaw samantalang si Allāh ay Tagaadya ng mga ito sa pamamagitan ng pagpapatatag sa kanila sa labanan at pagbaling sa kanila palayo sa binalak nila. Sa kay Allāh lamang ay umaasa ang mga mananampalataya sa lahat ng mga kalagayan nila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba