Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 129)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Sa kay Allāh ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Nagpapatawad Siya sa sinumang niloloob Niya at nagpaparusa Siya sa sinumang niloloob Niya. Si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain. (129)
Tafsīr
Sa kay Allāh ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa, sa paglikha at pangangasiwa. Nagpapatawad Siya sa mga pagkakasala para sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya dahil sa awa Niya at nagpaparusa Siya sa sinumang niloloob Niya dahil sa katarungan Niya. Si Allāh ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: