Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 137)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




3 Āl ‘Imrān(آل عمران), Talata 137

قَدْ خَلَتْ مِنْ قَبْلِكُمْ سُنَنٌ فَسِيرُوا فِي الْأَرْضِ فَانْظُرُوا كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الْمُكَذِّبِينَ 137 ١٣٧

May lumipas na, bago pa ninyo, na mga kalakaran kaya humayo kayo sa lupain saka tumingin kayo kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga tagapagpasinungaling. (137)

Tafsīr
Noong sinubok ang mga mananampalataya sa pamamagitan ng bumaba sa kanila sa Araw ng Uḥud ay nagsabi si Allāh habang umaalo sa kanya: "May nagdaan na, bago pa ninyo, na mga kalakarang makadiyos sa pagpapahamak sa mga tagatangging sumampalataya at paggawa ng mabuting kinahihinatnan para sa mga mananampalataya matapos ng pagsubok sa kanila. Kaya maglakbay kayo sa lupain saka tumingin kayo habang mga nagsasaalang-alang kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga tagapagpasinungaling kay Allāh at sa mga sugo Niya: lumipas ang mga tahanan nila at naglaho ang kaharian nila."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba