Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 144)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Walang iba si Muḥammad kundi isang Sugo, na nakalipas na bago pa niya ang mga sugo. Kaya ba kung namatay siya o napatay siya ay uuwi kayo sa mga pinagdaanan ninyo? Ang sinumang babalik sa pinagdaanan niya ay hindi siya makapipinsala kay Allāh ng anuman. Gaganti si Allāh sa mga tagapagpasalamat. (144)
Tafsīr
Walang iba si Muḥammad kundi isang Sugo kabilang sa uri ng sinumang nauna sa kanya na mga sugo ni Allāh, na mga namatay o napatay. Kaya ba kung namatay siya o napatay siya ay tatalikod kayo sa relihiyon ninyo at iiwan ninyo ang pakikibaka? Ang sinumang tumalikod kabilang sa inyo sa relihiyon niya ay hindi siya makapipinsala kay Allāh ng anuman yayamang Siya ang Malakas, ang Makapangyarihan. Pipinsalain lamang ng tumalikod ang sarili niya sa pamamagitan ng paghahantad dito sa kalugihan sa Mundo at Kabilang-buhay. Gaganti si Allāh sa mga nagpapasalamat sa Kanya ng pinakamagandang ganti dahil sa katatagan nila sa relihiyon Niya at pakikibaka nila sa landas Niya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: