Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 145)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




3 Āl ‘Imrān(آل عمران), Talata 145

وَمَا كَانَ لِنَفْسٍ أَنْ تَمُوتَ إِلَّا بِإِذْنِ اللَّهِ كِتَابًا مُؤَجَّلًا ۗ وَمَنْ يُرِدْ ثَوَابَ الدُّنْيَا نُؤْتِهِ مِنْهَا وَمَنْ يُرِدْ ثَوَابَ الْآخِرَةِ نُؤْتِهِ مِنْهَا ۚ وَسَنَجْزِي الشَّاكِرِينَ 145 ١٤٥

Hindi naging ukol sa isang tao na mamatay malibang may pahintulot ni Allāh bilang atas na tinaningan. Ang sinumang nagnanais ng gantimpala sa Mundo ay magbibigay Kami sa kanya mula rito. Ang sinumang nagnanais ng gantimpala sa Kabilang-buhay ay magbibigay Kami sa kanya mula roon. Gaganti Kami sa mga tagapagpasalamat. (145)

Tafsīr
Hindi nangyaring may taong ukol mamatay malibang ayon sa pagtatadhana ni Allāh matapos na malubos nito ang yugtong itinakda ni Allāh at ginawa Niyang isang taning para roon, na hindi ito nakadaragdag doon at hindi ito nakababawas doon. Ang sinumang nagnanais ng gantimpala sa Mundo sa pamamagitan ng gawa niya ay magbibigay sa kanya ayon sa sukat na itinakda para sa kanya mula rito at walang bahagi para sa kanya sa Kabilang-buhay. Ang sinumang nagnanais ng gantimpala ni Allāh sa Kabilang-buhay ay magbibigay sa kanya ng gantimpala roon. Gagantihan ang mga tagapagpasalamat sa Panginoon nila ng isang ganting sukdulan.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba