Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 147)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




3 Āl ‘Imrān(آل عمران), Talata 147

وَمَا كَانَ قَوْلَهُمْ إِلَّا أَنْ قَالُوا رَبَّنَا اغْفِرْ لَنَا ذُنُوبَنَا وَإِسْرَافَنَا فِي أَمْرِنَا وَثَبِّتْ أَقْدَامَنَا وَانْصُرْنَا عَلَى الْقَوْمِ الْكَافِرِينَ 147 ١٤٧

Walang iba ang sabi nila maliban na nagsabi sila: “Panginoon namin, magpatawad Ka sa amin sa mga pagkakasala namin at pagpapakalabis namin sa pumapatungkol sa amin, magpatatag Ka sa mga paa namin, at mag-adya Ka sa amin laban sa mga taong tagatangging sumampalataya.” (147)

Tafsīr
Walang iba ang sabi ng mga nagtitiis na ito noong bumaba sa kanila ang pagsubok na ito maliban na nagsabi sila: "Panginoon namin, magpatawad Ka sa amin sa mga pagkakasala namin at paglampas namin sa mga hangganan sa pumapatungkol sa amin, magpatatag Ka sa mga paa namin sa sandali ng pakikipagkita sa kaaway namin, at mag-adya Ka sa amin laban sa mga taong tagatangging sumampalataya sa Iyo."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba