Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 155)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




3 Āl ‘Imrān(آل عمران), Talata 155

إِنَّ الَّذِينَ تَوَلَّوْا مِنْكُمْ يَوْمَ الْتَقَى الْجَمْعَانِ إِنَّمَا اسْتَزَلَّهُمُ الشَّيْطَانُ بِبَعْضِ مَا كَسَبُوا ۖ وَلَقَدْ عَفَا اللَّهُ عَنْهُمْ ۗ إِنَّ اللَّهَ غَفُورٌ حَلِيمٌ 155 ١٥٥

Tunay na ang mga tumalikod kabilang sa inyo sa araw na nagkita-kita ang dalawang bukluran ay nagpatisod lamang sa kanila ang demonyo dahil sa ilan sa mga kinamit nila. Talaga ngang nagpaumanhin si Allāh sa kanila. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Matimpiin. (155)

Tafsīr
Tunay na ang mga natalo kabilang sa inyo, O mga Kasamahan ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan, sa araw na nagkita-kita ang bukluran ng mga tagapagtambal sa Uḥud sa bukluran ng mga Muslim ay ibinuyo lamang ng demonyo sa pagkatisod dahilan sa ilan sa nakamit nila na mga pagsuway. Talaga ngang si Allāh ay nagpaumanhin sa kanila kaya hindi Siya nagparusa sa kanila dahil sa mga iyon bilang kabutihang-loob mula sa Kanya at awa. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob, Matimpiin na hindi nagmamadali ng kaparusahan.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba