Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 15)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




3 Āl ‘Imrān(آل عمران), Talata 15

قُلْ أَؤُنَبِّئُكُمْ بِخَيْرٍ مِنْ ذَٰلِكُمْ ۚ لِلَّذِينَ اتَّقَوْا عِنْدَ رَبِّهِمْ جَنَّاتٌ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ خَالِدِينَ فِيهَا وَأَزْوَاجٌ مُطَهَّرَةٌ وَرِضْوَانٌ مِنَ اللَّهِ ۗ وَاللَّهُ بَصِيرٌ بِالْعِبَادِ 15 ١٥

Sabihin mo: “Magbabalita ba ako sa inyo ng higit na mabuti kaysa roon? Ukol sa mga nangilag magkasala, sa piling ng Panginoon nila, ay mga harding dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito, mga asawang dinalisay, at isang pagkalugod mula kay Allāh. Si Allāh ay Nakakikita sa mga lingkod.” (15)

Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo: "Magpapabatid ba ako sa inyo ng higit na mabuti kaysa sa mga ninanasang iyon? Ukol sa mga nangilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng paggawa ng pagtalima sa Kanya at pag-iwan sa pagsuway sa Kanya ay mga harding dumadaloy mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito at mga punung-kahoy ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito nang hindi sila naabutan ng kamatayan ni pagkalipol. Magkakaroon sila sa mga ito ng mga asawa na dinalisay mula sa bawat kasagwaan sa pagkakalikha sa mga iyon at mga kaasalan ng mga iyon. Magkakaroon sila kasama niyon ng pagkalugod mula kay Allāh, na dadapo sa kanila kaya hindi Siya maiinis sa kanila kailanman. Si Allāh ay Nakakikita sa mga kalagayan ng mga lingkod Niya: walang nakakukubli sa Kanya na anuman sa mga ito. Gaganti Siya sa kanila sa mga ito."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba