Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 160)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




3 Āl ‘Imrān(آل عمران), Talata 160

إِنْ يَنْصُرْكُمُ اللَّهُ فَلَا غَالِبَ لَكُمْ ۖ وَإِنْ يَخْذُلْكُمْ فَمَنْ ذَا الَّذِي يَنْصُرُكُمْ مِنْ بَعْدِهِ ۗ وَعَلَى اللَّهِ فَلْيَتَوَكَّلِ الْمُؤْمِنُونَ 160 ١٦٠

Kung mag-aadya sa inyo si Allāh ay walang dadaig sa inyo. Kung magtatatwa Siya sa inyo ay sino itong mag-aadya sa inyo matapos na Niya? Kay Allāh ay manalig ang mga mananampalataya. (160)

Tafsīr
Kung mag-aayuda sa inyo si Allāh sa pamamagitan ng pagtulong Niya at pag-aadya Niya ay walang isang dadaig sa inyo kahit pa magkaisa laban sa inyo ang mga naninirahan sa lupa. Kapag iniwan Niya ang pag-aadya sa inyo at ipinagkatiwala Niya kayo sa mga sarili ninyo, walang isang makakakaya na mag-adya sa inyo matapos pa Niya sapagkat ang pag-aadya ay nasa kamay Niya lamang. Kay Allāh ay umasa ang mga mananampalataya, hindi sa isang iba pa sa Kanya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba