Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 161)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Hindi naging ukol sa isang propeta na mang-umit. Ang sinumang mang-uumit ay maghahatid siya ng inumit niya sa Araw ng Pagbangon. Pagkatapos lulubus-lubusin ang bawat kaluluwa sa [kabayaran ng] anumang nakamit nito at sila ay hindi lalabagin sa katarungan. (161)
Tafsīr
Hindi naging ukol sa isang propeta kabilang sa mga propeta na magtaksil sa pamamagitan ng pagkuha ng anuman mula sa samsam sa digmaan bukod pa sa inilaan sa kanya ni Allāh. Ang sinumang magtataksil kabilang sa inyo sa pamamagitan ng pagkuha ng anuman mula sa samsam sa digmaan ay parurusahan sa pamamagitan ng pagbubunyag sa kanya sa Araw ng Pagbangon kaya darating siyang pumapasan ng kinuha niya sa harapan ng mga nilikha. Pagkatapos bibigyan ang bawat kaluluwa ng ganti sa nakamit nito nang lubos na hindi nababawasan habang sila ay hindi nilalabag sa katarungan sa pamamagitan ng pagdagdag sa mga masagwang gawa nila ni sa pamamagitan ng pagbawas sa mga magandang gawa nila.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: