Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 168)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
[Sila] ang mga nagsabi sa mga kapatid nila samantalang namalagi sila: “Kung sakaling tumalima sila sa amin ay hindi sana sila napatay.” Sabihin mo: “Kaya magtaboy kayo palayo sa mga sarili ninyo ng kamatayan, kung kayo ay mga tapat.” (168)
Tafsīr
[Sila] ang mga nagpaiwan sa pakikipaglaban at nagsabi sa mga kaanak nila na nasalanta sa Araw ng Uḥud: "Kung sakaling sila ay tumalima sa amin at hindi sila pumunta sa pakikipaglaban ay hindi sana sila napatay." Sabihin mo, O Propeta bilang tugon sa kanila: "Kaya itulak ninyo palayo sa mga sarili ninyo ang kamatayan kapag bumaba sa inyo, kung kayo ay mga tapat sa pinagsasabi ninyo na sila raw, kung sakaling tumalima sa inyo, ay hindi sana napatay at na ang dahilan ng pagkaligtas ninyo mula sa kamatayan ay ang pananatili palayo sa pakikibaka sa landas ni Allāh."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: