Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 181)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




3 Āl ‘Imrān(آل عمران), Talata 181

لَقَدْ سَمِعَ اللَّهُ قَوْلَ الَّذِينَ قَالُوا إِنَّ اللَّهَ فَقِيرٌ وَنَحْنُ أَغْنِيَاءُ ۘ سَنَكْتُبُ مَا قَالُوا وَقَتْلَهُمُ الْأَنْبِيَاءَ بِغَيْرِ حَقٍّ وَنَقُولُ ذُوقُوا عَذَابَ الْحَرِيقِ 181 ١٨١

Talaga ngang nakarinig si Allāh sa sabi ng mga nagsabi: “Tunay na si Allāh ay maralita samantalang kami ay mga mayaman.” Magsusulat Kami ng sinabi nila at pagpatay nila sa mga propeta nang walang karapatan at magsasabi Kami [sa kanila sa Kabilang-buhay]: “Lumasap kayo ng pagdurusa ng pagsunog. (181)

Tafsīr
Talaga ngang nakarinig si Allāh sa sabi ng mga Hudyo nang nagsabi sila: "Tunay na si Allāh ay maralita yayamang humiling Siya mula sa amin ng pautang samantalang kami ay mga mayaman dahil sa taglay naming mga yaman." Magsusulat Kami ng sinabi nila na paninirang-puri at kabulaanan sa Panginoon nila at ng pagpatay nila sa mga propeta nila nang walang karapatan at magsasabi Kami sa kanila: "Lumasap kayo ng pagdurusang nanununog sa Apoy.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba