Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 183)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




3 Āl ‘Imrān(آل عمران), Talata 183

الَّذِينَ قَالُوا إِنَّ اللَّهَ عَهِدَ إِلَيْنَا أَلَّا نُؤْمِنَ لِرَسُولٍ حَتَّىٰ يَأْتِيَنَا بِقُرْبَانٍ تَأْكُلُهُ النَّارُ ۗ قُلْ قَدْ جَاءَكُمْ رُسُلٌ مِنْ قَبْلِي بِالْبَيِّنَاتِ وَبِالَّذِي قُلْتُمْ فَلِمَ قَتَلْتُمُوهُمْ إِنْ كُنْتُمْ صَادِقِينَ 183 ١٨٣

[Sila] ang mga nagsabi: “Tunay na si Allāh ay naghabilin sa amin na hindi kami maniwala sa isang sugo hanggang sa maghatid ito sa amin ng isang handog na kakainin ng apoy [mula sa langit].” Sabihin mo: “May nagdala na sa inyo na mga sugo bago ko pa ng mga malinaw na patunay at ng sinabi ninyo, kaya bakit kayo pumatay sa kanila kung kayo ay mga tapat?” (183)

Tafsīr
Sila ang mga nagsabi bilang kasinungalingan at pagagawa-gawa: "Tunay na si Allāh ay nagtagubilin sa amin sa mga kasulatan Niya at sa pamamagitan ng mga dila ng mga propeta Niya na hindi kami maniwala sa isang sugo hanggang sa magdala ito sa amin ng nagpapatotoo sa sabi nito. Iyon ay sa pamamagitan ng pag-aalay kay Allāh ng isang handog na susunugin ng apoy na bababa mula sa langit." Kaya nagsinungaling sila laban kay Allāh sa pag-uugnay ng habilin sa Kanya at sa paglilimita sa mga patunay ng katapatan ng mga sugo sa binanggit nila. Dahil dito, nag-utos si Allāh sa Propeta Niyang si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – na magsabi sa kanila: "May naghatid na sa inyo na mga sugo bago ko pa ng mga maliwanag na patunay sa katapatan nila at ng binanggit ninyo na alay na susunugin ng apoy mula sa langit, ngunit bakit nagpasinungaling kayo sa kanila at pumatay kayo sa kanila kung kayo ay mga tapat sa sinasabi ninyo?"

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba