Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 188)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




3 Āl ‘Imrān(آل عمران), Talata 188

لَا تَحْسَبَنَّ الَّذِينَ يَفْرَحُونَ بِمَا أَتَوْا وَيُحِبُّونَ أَنْ يُحْمَدُوا بِمَا لَمْ يَفْعَلُوا فَلَا تَحْسَبَنَّهُمْ بِمَفَازَةٍ مِنَ الْعَذَابِ ۖ وَلَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ 188 ١٨٨

Huwag ka ngang mag-akalang ang mga natutuwa sa isinagawa nila at umiibig na purihin sila sa hindi naman nila ginawa – huwag ka ngang mag-akalang sila ay nasa isang maliligtasan mula sa pagdurusa. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit. (188)

Tafsīr
Huwag ka ngang magpalagay, O Propeta, na ang mga natutuwa sa ginawa nila na mga pangit at umiibig na magpapuri sa kanila ang mga tao sa hindi naman nila ginawa na kabutihan – huwag ka ngang magpalagay na sila ay nasa isang mapagliligtasan mula sa pagdurusa at pagkapangalaga, bagkus ang kalalagyan nila ay Impiyerno. Ukol sa kanila roon ay isang pagdurusang nakasasakit.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba