Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 191)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
na mga umaalaala kay Allāh nang nakatayo o nakaupo o nakahiga sa mga tagiliran nila at nag-iisip-isip sa pagkalikha sa mga langit at lupa, [na nagsasabi]: “Panginoon namin, hindi Ka lumikha nito nang walang-saysay. Kaluwalhatian sa Iyo, kaya magsanggalang Ka sa amin sa pagdurusa sa Apoy. (191)
Tafsīr
Sila ang mga umaalaala kay Allāh sa lahat ng mga kalagayan nila: sa kalagayan ng pagkakatayo nila, sa kalagayan ng pagkakaupo nila, at sa kalagayan ng pagkakahiga nila. Nagpapagana sila ng mga isip nila kaugnay sa pagkalikha sa mga langit at lupa habang mga nagsasabi: "O Panginoon namin, hindi Ka lumikha sa dakilang nilikhang ito sa paglalaru-laro – nagpawalang-kaugnayan Ka sa paglalaru-laro – kaya magpalayo Ka sa amin sa pagdurusa sa Apoy sa pamamagitan ng pagtutuon sa amin sa mga maayos na gawa at mangalaga Ka sa amin laban sa mga masasagwang gawa."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: