Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 19)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Tunay na ang relihiyon sa ganang kay Allāh ay ang Islām. Hindi nagkaiba-iba ang mga binigyan ng kasulatan kundi matapos na dumating sa kanila ang kaalaman dala ng paglabag sa pagitan nila. Ang sinumang tatangging sumampalataya sa mga tanda ni Allāh, tunay na si Allāh ay mabilis ang pagtutuos. (19)
Tafsīr
Tunay na ang relihiyong tinatanggap sa ganang kay Allāh ay ang Islām. Ito ay ang pagpapaakay kay Allāh lamang sa pamamagitan ng pagtalima at pagsuko sa Kanya sa pamamagitan ng pagkaalipin [sa Kanya] at pananampalataya sa mga sugo sa kalahatan hanggang sa pangwakas sa kanila na si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – na winakasan ni Allāh sa pamamagitan niya ang mga pasugo, kaya hindi tinatanggap ang iba pa sa Batas niya. Hindi nagkaiba-iba ang mga Hudyo at ang mga Kristiyano sa relihiyon nila at nagkahati-hati sa mga pangkatin at mga lapian maliban nang matapos na nailatag sa kanila ang katwiran sa pamamagitan ng dumating sa kanila na kaalaman, dahil sa inggit at dahil sa sigasig sa kamunduhan. Ang sinumang tatangging sumampalataya sa mga tanda ni Allāh na pinababa sa Sugo Niya, tunay na si Allāh ay mabilis ang pagtutuos sa sinumang tumangging sumampalataya sa Kanya at nagpasinungaling sa mga sugo Niya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: