Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 200)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
O mga sumampalataya, magtiis kayo, manaig kayo sa pagtitiis, mamalagi kayo, at mangilag kayong magkasala kay Allāh, nang sa gayon kayo ay magtatagumpay. (200)
Tafsīr
O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, magtiis kayo sa mga obligasyon sa Batas ng Islām at sa dumarating sa inyo na mga kasawian sa Mundo, dumaig kayo sa mga tagatangging sumampalataya sa pagtitiis para sila ay hindi maging higit na matindi sa pagtitiis kaysa sa inyo, manatili kayo sa pakikibaka sa landas ni Allāh, at mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, nang sa gayon kayo ay magkamit ng hinihiling ninyo sa pamamagitan ng kaligtasan mula sa Apoy at ng pagpasok sa Hardin.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: