Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 24)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Iyon ay dahil sila ay nagsabi: “Hindi sasaling sa amin ang Apoy maliban sa mga araw na nabibilang.” Luminlang sa kanila kaugnay sa relihiyon nila ang dati nilang ginagawa-gawa. (24)
Tafsīr
Ang pagkalihis na iyon palayo sa katotohanan at ang pag-ayaw roon ay dahil sila noon ay nag-aangkin na ang Apoy ay hindi sasaling sa kanila sa Araw ng Pagbangon malibang sa kakaunting araw, pagkatapos papasok sila sa Paraiso. Kaya luminlang sa kanila ang palagay na ito na nilikha-likha nila mula sa mga kasinungalingan at mga kabulaanan kaya naglakas-loob sila laban kay Allāh at sa relihiyon Niya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: