Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 28)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




3 Āl ‘Imrān(آل عمران), Talata 28

لَا يَتَّخِذِ الْمُؤْمِنُونَ الْكَافِرِينَ أَوْلِيَاءَ مِنْ دُونِ الْمُؤْمِنِينَ ۖ وَمَنْ يَفْعَلْ ذَٰلِكَ فَلَيْسَ مِنَ اللَّهِ فِي شَيْءٍ إِلَّا أَنْ تَتَّقُوا مِنْهُمْ تُقَاةً ۗ وَيُحَذِّرُكُمُ اللَّهُ نَفْسَهُ ۗ وَإِلَى اللَّهِ الْمَصِيرُ 28 ٢٨

Huwag gumawa ang mga mananampalataya sa mga tagatangging sumampalataya bilang mga katangkilik bukod pa sa mga mananampalataya. Ang sinumang gagawa niyon ay hindi siya kaugnay kay Allāh sa anuman, maliban na mangilag kayo sa kanila sa isang pinangingilagan. Nagbibigay-babala sa inyo si Allāh sa sarili Niya. Tungo kay Allāh ang kahahantungan. (28)

Tafsīr
Huwag kayong gumawa, O mga mananampalataya, sa mga tagatangging sumampalataya bilang mga katangkilik na iibigin ninyo at iaadya ninyo bukod pa sa mga mananampalataya. Ang sinumang gagawa niyon ay nagpawalang-kaugnayan nga kay Allāh at nagpawalang-kaugnayan si Allāh sa kanya, maliban na kayo ay maging nasa ilalim ng kapamahalaan nila para mangamba kayo sa kanila para sa mga sarili ninyo, at wala namang pagkaasiwa na mangilag kayo sa pananakit nila sa pamamagitan ng pagpapakita ng kabanayaran sa pananalita at kabaitan sa mga gawa kalakip ng pagkukubli ng pagkamuhi sa kanila. Nagbibigay-babala sa inyo si Allāh sa sarili Niya kaya mangamba kayo sa Kanya at huwag kayong lumantad sa galit Niya sa pamamagitan ng paggawa ng mga pagsuway. Tungo kay Allāh lamang ang pagbabalik ng mga tao sa Araw ng Pagbangon para sa pagganti sa kanila sa mga gawain nila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba