Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 29)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Sabihin mo: “Kung magkukubli kayo ng anumang nasa mga dibdib ninyo o maglalantad kayo niyon, makaaalam niyon si Allāh. Nakaaalam Siya sa anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan. (29)
Tafsīr
Sabihin mo, O Propeta: "Kung magkukubli kayo ng anumang nasa mga dibdib ninyo kabilang sa sinaway sa inyo ni Allāh gaya ng pagtangkilik sa mga tagatangging sumampalataya o maglalantad kayo niyon, makaaalam niyon ni Allāh at walang nakakukubli sa Kanya mula roon na anuman. Nakaaalam Siya sa anumang nasa mga langit at anumang nasa lupa. Si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan: walang nakapagpapawalang-kakayahan sa Kanya na anuman."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: