Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 30)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




3 Āl ‘Imrān(آل عمران), Talata 30

يَوْمَ تَجِدُ كُلُّ نَفْسٍ مَا عَمِلَتْ مِنْ خَيْرٍ مُحْضَرًا وَمَا عَمِلَتْ مِنْ سُوءٍ تَوَدُّ لَوْ أَنَّ بَيْنَهَا وَبَيْنَهُ أَمَدًا بَعِيدًا ۗ وَيُحَذِّرُكُمُ اللَّهُ نَفْسَهُ ۗ وَاللَّهُ رَءُوفٌ بِالْعِبَادِ 30 ٣٠

Sa Araw na makatatagpo ang bawat kaluluwa sa anumang ginawa niya na kabutihan na padadaluhin at sa anumang ginawa niya na kasagwaan, mag-aasam siya na kung sana sa pagitan niya at niyon ay may isang agwat na malayo. Nagbibigay-babala sa inyo si Allāh ng sarili Niya. Si Allāh ay Mahabagin sa mga lingkod.” (30)

Tafsīr
Sa Araw ng Pagbangon ay makatatagpo ng bawat kaluluwa ang gawa niya na kabutihan na ilalahad nang walang bawas. Ang ginawa niya na kasagwaan ay mimithiin niya na sa pagitan niya at niyon ay may panahong malayo. Paanong ukol sa kanya ang minithi niya! Nagbibigay-babala sa inyo si Allāh sa sarili Niya kaya huwag kayong lumantad sa galit Niya sa pamamagitan ng pagkagawa ng mga kasalanan. Si Allāh ay Mahabagin sa mga lingkod Niya at dahil dito ay nagbibigay-babala Siya sa inyo at nagpapangamba Siya sa inyo."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba