Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 33)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




3 Āl ‘Imrān(آل عمران), Talata 33

إِنَّ اللَّهَ اصْطَفَىٰ آدَمَ وَنُوحًا وَآلَ إِبْرَاهِيمَ وَآلَ عِمْرَانَ عَلَى الْعَالَمِينَ 33 ٣٣

Tunay na si Allāh ay humirang kay Adan, kay Noe, sa mag-anak ni Abraham, at sa mag-anak ni `Imrān higit sa mga nilalang – (33)

Tafsīr
Tunay na si Allāh ay pumili kay Adan – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – saka pinagpatirapa Niya rito ang mga anghel, pumili kay Noe saka ginawa Niya ito na kauna-unahang sugo sa mga tao ng lupa, pumili sa mag-anak ni Abraham saka ginawa Niya ang pagkapropeta na nanatili sa mga supling nito, pumili sa mag-anak ni `Imrān, at pumili sa lahat ng mga ito at nagtangi sa kanila higit sa mga tao ng panahon nila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba