Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 35)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




3 Āl ‘Imrān(آل عمران), Talata 35

إِذْ قَالَتِ امْرَأَتُ عِمْرَانَ رَبِّ إِنِّي نَذَرْتُ لَكَ مَا فِي بَطْنِي مُحَرَّرًا فَتَقَبَّلْ مِنِّي ۖ إِنَّكَ أَنْتَ السَّمِيعُ الْعَلِيمُ 35 ٣٥

[Banggitin] noong nagsabi ang maybahay ni `Imrān: “Panginoon ko, tunay na ako ay nagpanata para sa Iyo ng nasa sinapupunan ko bilang nakalaan, kaya tanggapin Mo mula sa akin; tunay na Ikaw ay ang Madinigin, ang Maalam.” (35)

Tafsīr
Banggitin mo, O Sugo, noong nagsabi ang maybahay ni `Imrān, ang ina ni Maria – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "O Panginoon ko, tunay na ako ay nagsatungkulin sa sarili ko na magtalaga ng nasa tiyan ko mula sa pagbubuntis bilang inuukol sa mukha Mo, bilang nakalaan sa bawat gawain upang maglingkod sa Iyo at maglingkod sa bahay Mo, kaya tanggapin Mo mula sa akin iyon; tunay na Ikaw ay ang Madinigin sa panalangin ko, ang Maalam sa layunin ko."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba