Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 38)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




3 Āl ‘Imrān(آل عمران), Talata 38

هُنَالِكَ دَعَا زَكَرِيَّا رَبَّهُ ۖ قَالَ رَبِّ هَبْ لِي مِنْ لَدُنْكَ ذُرِّيَّةً طَيِّبَةً ۖ إِنَّكَ سَمِيعُ الدُّعَاءِ 38 ٣٨

Doon dumalangin si Zacarias sa Panginoon niya. Nagsabi siya: “Panginoon ko, magkaloob Ka sa akin mula sa nasa Iyo ng isang supling na kaaya-aya; tunay na Ikaw ay Madinigin sa panalangin.” (38)

Tafsīr
Sa sandaling iyon na nakakita si Zacarias ng panustos ni Allāh – pagkataas-taas Siya – kay Maria na anak ni `Imrān sa hindi nakagawian sa mga kalakaran ni Allāh – pagkataas-taas Siya – sa pagtutustos, umasa siya na magkaloob sa kanya si Allāh ng isang anak sa kabila ng kalagayang siya ay nakasadlak na katandaan ng edad niya at pagkabaog ng maybahay niya. Kaya nagsabi siya: "O Panginoon ko, magkaloob Ka sa akin ng isang anak na kaaya-aya; tunay na Ikaw ay Madinigin sa panalangin ng sinumang dumalangin sa Iyo, sumasagot sa kanya."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba