Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 42)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




3 Āl ‘Imrān(آل عمران), Talata 42

وَإِذْ قَالَتِ الْمَلَائِكَةُ يَا مَرْيَمُ إِنَّ اللَّهَ اصْطَفَاكِ وَطَهَّرَكِ وَاصْطَفَاكِ عَلَىٰ نِسَاءِ الْعَالَمِينَ 42 ٤٢

[Banggitin] noong nagsabi ang mga anghel kay Maria: “O Maria, tunay na si Allāh ay humirang sa iyo, nagdalisay sa iyo, at humirang sa iyo higit sa mga babae ng mga nilalang. (42)

Tafsīr
Banggitin mo, O Sugo, nang nagsabi ang mga anghel kay Maria – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "O Maria, tunay na si Allāh ay pumili sa iyo dahil sa tinataglay mong mga katangiang kapuri-puri, nagdalisay sa iyo sa mga kapintasan, at pumili sa iyo higit sa mga babae ng mga nilalang sa panahon mo.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba