Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 44)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




3 Āl ‘Imrān(آل عمران), Talata 44

ذَٰلِكَ مِنْ أَنْبَاءِ الْغَيْبِ نُوحِيهِ إِلَيْكَ ۚ وَمَا كُنْتَ لَدَيْهِمْ إِذْ يُلْقُونَ أَقْلَامَهُمْ أَيُّهُمْ يَكْفُلُ مَرْيَمَ وَمَا كُنْتَ لَدَيْهِمْ إِذْ يَخْتَصِمُونَ 44 ٤٤

Iyon ay kabilang sa mga balita ng nakalingid; nagkakasi Kami nito sa iyo [O Propeta]. Wala ka noon sa piling nila noong nagpapalabunutan sila sa mga panulat nila kung alin sa kanila ang mag-aaruga kay Maria at wala ka noon sa piling nila noong nag-aalitan sila. (44)

Tafsīr
Ang nabanggit na iyon na bahagi ng ulat kina Zacaria at Maria – sumakanila ang pagbati ng kapayapaan – ay bahagi ng mga ulat sa Nakalingid; nagkakasi Kami nito sa iyo, O Sugo. Wala ka noon sa piling ng mga maalam at mga maayos na iyon nang nag-alitan sila hinggil sa kung sino ang higit na karapat-dapat sa pag-aalaga kay Maria hanggang sa humantong sila sa pagpapalabunutan kaya naghagis sila ng mga panulat nila at nabunot ang panulat ni Zacaria – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba