Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 47)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




3 Āl ‘Imrān(آل عمران), Talata 47

قَالَتْ رَبِّ أَنَّىٰ يَكُونُ لِي وَلَدٌ وَلَمْ يَمْسَسْنِي بَشَرٌ ۖ قَالَ كَذَٰلِكِ اللَّهُ يَخْلُقُ مَا يَشَاءُ ۚ إِذَا قَضَىٰ أَمْرًا فَإِنَّمَا يَقُولُ لَهُ كُنْ فَيَكُونُ 47 ٤٧

Nagsabi siya: “O Panginoon ko, paanong magkakaroon ako ng isang anak samantalang walang nakasaling sa akin na isang lalaki?” Nagsabi ito: “Gayon si Allāh, lumilikha Siya ng anumang niloloob Niya. Kapag nagtadhana Siya ng isang bagay ay nagsasabi lamang Siya rito na mangyari saka mangyayari ito. (47)

Tafsīr
Nagsabi si Maria habang nagtataka na magkaroon siya ng isang anak nang walang asawa: "Papaanong magkakaroon ako ng isang anak samantalang walang nakalapit sa akin na isang lalaki: hindi sa kalagayang ipinahihintulot at hindi sa kalagayang ipinagbabawal?" Nagsabi sa kanya ang anghel: "Ang paghahalintulad ng lilikhain ni Allāh para sa iyo na isang anak nang walang ama ay tunay na Siya ay lumilikha ng anumang niloloob Niya kabilang sa sumasalungat sa nakasanayan at nakagawian sapagkat kapag nagnais Siya ng isang bagay ay nagsasabi Siya rito na mangyari saka mangyayari ito sapagkat walang nakapagpapawalang-kakayahan sa Kanya na anuman."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba