Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 49)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




3 Āl ‘Imrān(آل عمران), Talata 49

وَرَسُولًا إِلَىٰ بَنِي إِسْرَائِيلَ أَنِّي قَدْ جِئْتُكُمْ بِآيَةٍ مِنْ رَبِّكُمْ ۖ أَنِّي أَخْلُقُ لَكُمْ مِنَ الطِّينِ كَهَيْئَةِ الطَّيْرِ فَأَنْفُخُ فِيهِ فَيَكُونُ طَيْرًا بِإِذْنِ اللَّهِ ۖ وَأُبْرِئُ الْأَكْمَهَ وَالْأَبْرَصَ وَأُحْيِي الْمَوْتَىٰ بِإِذْنِ اللَّهِ ۖ وَأُنَبِّئُكُمْ بِمَا تَأْكُلُونَ وَمَا تَدَّخِرُونَ فِي بُيُوتِكُمْ ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَةً لَكُمْ إِنْ كُنْتُمْ مُؤْمِنِينَ 49 ٤٩

[Gagawa Siya rito] bilang sugo sa mga anak ni Israel, [na magsasabi]: ‘Na ako ay naghatid nga sa inyo ng isang tanda mula sa Panginoon ninyo; na ako ay lilikha para sa inyo mula sa putik ng gaya ng anyo ng ibon, saka iihip rito, saka ito ay magiging isang ibon ayon sa pahintulot ni Allāh. Magpapagaling ako ng ipinanganak na bulag at ketungin. Magbibigay-buhay ako sa mga patay ayon sa pahintulot ni Allāh. Magbabalita ako sa inyo ng kinakain ninyo at iniimbak ninyo sa mga bahay ninyo. Tunay na sa gayon ay talagang may tanda para sa inyo kung kayo ay mga mananampalataya. (49)

Tafsīr
Gagawa Siya rito, gayundin, bilang sugo sa mga anak ni Israel kung saan magsasabi siya sa kanila: "Tunay na ako ay sugo ni Allāh sa inyo; naghatid nga ako sa inyo ng isang palatandaang nagpapatunay sa katapatan ng pagkapropeta ko: na ako ay magbibigay-anyo para sa inyo mula sa sangkap na putik ng tulad ng hugis ng ibon, saka iihip rito at ito ay magiging isang ibong buhay ayon sa pahintulot ni Allāh; magpapagaling ng ipinanganak na bulag at makakikita ito, at ng dinapuan ng ketong at manunumbalik ang balat nito na magaling; bubuhay ng dating patay, lahat ng iyon ay ayon sa pahintulot ni Allāh. Magpapabatid ako sa inyo ng kinakain ninyo at ng itinatago ninyo sa mga bahay ninyo na pagkain at ikinukubli ninyo. Tunay na hinggil sa binanggit ko sa inyo na mga dakilang bagay-bagay na ito na hindi nakakakaya sa mga ito ang tao ay talagang may palatandaang nakalantad na ako ay isang sugo mula kay Allāh para sa inyo kung kayo ay nagnanais ng pananampalataya at naniniwala sa mga patunay.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba