Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 52)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




3 Āl ‘Imrān(آل عمران), Talata 52

فَلَمَّا أَحَسَّ عِيسَىٰ مِنْهُمُ الْكُفْرَ قَالَ مَنْ أَنْصَارِي إِلَى اللَّهِ ۖ قَالَ الْحَوَارِيُّونَ نَحْنُ أَنْصَارُ اللَّهِ آمَنَّا بِاللَّهِ وَاشْهَدْ بِأَنَّا مُسْلِمُونَ 52 ٥٢

Ngunit noong nakadama si Jesus mula sa kanila ng kawalang-pananampalataya ay nagsabi siya: “Sino ang mga tagaadya ko tungo kay Allāh?” Nagsabi ang mga disipulo: “Kami ay ang mga tagaadya ni Allāh; sumampalataya kami kay Allāh, at sumaksi ka na kami ay mga tagapagpasakop [kay Allāh]. (52)

Tafsīr
Ngunit noong nakaalam si Jesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – mula sa kanila ng pagpupumilit sa kawalang-pananampalataya ay nagsabi siya habang kumakausap sa mga anak ni Israel: "Sino ang mag-aadya sa akin sa pag-aanyaya tungo kay Allāh?" Nagsabi ang mga hinirang kabilang sa mga tagasunod niya: "Kami ay mga tagaadya ng relihiyon ni Allāh; sumampalataya kami kay Allāh, sumunod kami sa iyo, at sumaksi ka, O Jesus, na kami ay mga nagpapaakay kay Allāh sa pamamagitan ng paniniwala sa kaisahan Niya at pagtalima sa Kanya."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba